|
Vision Mission
Kami, ang sumasampalataya at sumusunod kay Hesus sa Parokya ng San Lorenzo ruiz de Manila, GRS, Ragay, Camarines Sur, ay puno ng pasasalamat sa mga likas yaman sa aming kapaligiran, tulad ng kagubatan, karagatan, matabang lupain at malilinis na ilog na patuloy na umuunladd sa tiyaga at sipag ng mga magsasaka, manggagawa at mga dayong mangangalakal.
Sa kabila ng aming pagiging bagong parokya, pinagyayaman naming ang mga katutubo at kristiyanong kaugalian, pagtutulungan at pagkakaisa sa patnubay ng ilang nagmamalasakit na namumuno.
Subalit, sa gitna ng kayamanan ng kapaligiran at minanang magandang kaugalian, marami ang naghihirap dahil sa walang sariling lupa at sapat na hanapbuhay, pagkasira ng kalikasan, pagkamakasarili ng ilang may kapangyarihang namumuno, kakulangan sa kaalaman, puhunan, transportasyon at komunikasyon, at hindi sapat na pagkalinga ng pamahalaan sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan. Maliban dito, iba't-iba ang pananaw sa buhay, kulang ang kaalaman at pagsasabuhay ng pananampalataya.
Hangarin naming ang maging makabagong simbahan, maka Diyos, may kristiyanong kaugalian, naghahari ang katahimikan at pagkakaisa dala ng matapat at makatarungang pamunuan.
Hangarin ng Parokya na ang bawat isa ay may pagmamalasakit sa kapwa at pangangalaga sa yamang kalikasan tungo sa maunlad na pamumuhay.
Taos puso naming inihahadog and buong buhay at pananalig sa patnubay ng Espiritu Santo, at sa inspirasyon ng Mahal na Ina, sa pagbuo ng mga maliliit na samahang maka dukha, mapagmalasakit sa kapwa, sama-samang mag-aaral at may payak na pamumuhay. Sa diwa ng pagkakaisa, kikilos kami sa pagbubuo ng programang pangkabuhayan, pangkalikasan, pangpulitika at panglipunan katulad ng pagsasanay sa makabagong teknolohiya, pagsasanay at pagpapahalaga sa pamunuan, paggabay sa kabataan at pagpapahayag ng magandang balita.
| Main Page | History | Curia | Parishes | Clergy | News and Events | | Site Map | Guest Book | BEC Endowment Fund |
Contact the Webmaster Copyright 2000
|
|